February 12, 2008

From English to Tagalog: Sino ba ikaw, CM?

Ohh, I missed this blog. Ah, pasensya na po.. Sige magtatagalog na si CM. Matagal-tagal na rin ako rito sa Cebu and life has really taught me lessons.. Ahh, ano ba iyan, napapa-english na uli, hehehe.. Balang araw, sana matanaw ko na muli ang Maynila. Kung napadaan ka, huwag ka na mag-komento kung di mo "feel" talaga.. Sige ka, haha..

A - ano ang pamatay mong line? Hehe, wala, paumanhin po, everything I say is unique, siguro

B - boyish, girlish, etc.? Syempre, boyish

K - kilabot ka ba? Hindi, hindi naman ako mamamatay-tao. Pero ang iba, yan ang tingin sa akin, ah basta

D - dreams? Ahh, madami ako niyan

E - energetic si CM? Syempre, mahilig ako sa mga pisikal na gawain at hiking

G - girlfriend? Ahh, 3-ex mutual understandings.. boyfriend? short-lived yan before, I haven't considered my past hook-ups as ganyan.. sana, ahh basta..

H - healthy lifestyle? Not smoking

I - ilang unan ang gamit mo? Dalawa

L - love, mahilig ka ba? Hope and love never leaves me kahit anong isyu ng buhay

M - marami ka bang pera sa banko? Mahirap lang po ako, tatlong beses lang kumakain sa isang araw, minsan oo may snacks din

N - naranasan mo na ba ang near death experience? Oo, nung nag hiking kami sa Mt. Makiling, Laguna

O - oats? Gusto ko iyan

P - pogi ka ba? Hindi ako gwapong-gwapo. Sa sarili ko, alam ko gwapo daw ako sabi ng konsensya ko.. Pero depende iyan sa tumitingin, right?

R - race mo? May lahi akong Filipino, Japanese, at konting-konting Arabic at Spanish

S - starbucks? Uyy sana, sa next na punta ko diyan, may kasama akong blogger din, haha, joke

T - toothpaste? Colgate/Sensodyne

U - uy, may kalambingan ka ngayong Peb. 14? Wala

W - what has life taught you recently? Tinuruan ako na sa lahat ng isyu ng buhay na dumarating, mayroon at mayroon na itinuturo iyon. "Flexibility" - isang salita din na natutunan ko.

Y -yan ba ang dahilan kaya nagbalik ang blog mo? Pwede, gusto ko rin kasing maging "cool sa blogging" kuno, haha, joke

Pansin ninyo, A to Y? Tagalog kasi. Ahh challenging kasi mag-transition. Next time, pipilitin ko na talaga. Madami pa akong gustong i-share. Salamat sa pag-dalaw.

2 comments:

Anonymous said...

tambay lang bro...me and GF always wanted na pumasyal dyan...kulang nga lang sa budget...hehe.

nice entry by the way... :D

CM Remarkable said...

ei, salamat.. sige ba punta kayo dito, tapos isama nyo na rin ako sa date nyo para libre sa food, hehe, =)