A - ano ang pamatay mong line? Hehe, wala, paumanhin po, everything I say is unique, siguro
B - boyish, girlish, etc.? Syempre, boyish
K - kilabot ka ba? Hindi, hindi naman ako mamamatay-tao. Pero ang iba, yan ang tingin sa akin, ah basta
D - dreams? Ahh, madami ako niyan
E - energetic si CM? Syempre, mahilig ako sa mga pisikal na gawain at hiking
G - girlfriend? Ahh, 3-ex mutual understandings.. boyfriend? short-lived yan before, I haven't considered my past hook-ups as ganyan.. sana, ahh basta..
H - healthy lifestyle? Not smoking
I - ilang unan ang gamit mo? Dalawa
L - love, mahilig ka ba? Hope and love never leaves me kahit anong isyu ng buhay
M - marami ka bang pera sa banko? Mahirap lang po ako, tatlong beses lang kumakain sa isang araw, minsan oo may snacks din
N - naranasan mo na ba ang near death experience? Oo, nung nag hiking kami sa Mt. Makiling, Laguna
O - oats? Gusto ko iyan
P - pogi ka ba? Hindi ako gwapong-gwapo. Sa sarili ko, alam ko gwapo daw ako sabi ng konsensya ko.. Pero depende iyan sa tumitingin, right?
R - race mo? May lahi akong Filipino, Japanese, at konting-konting Arabic at Spanish
S - starbucks? Uyy sana, sa next na punta ko diyan, may kasama akong blogger din, haha, joke
T - toothpaste? Colgate/Sensodyne
U - uy, may kalambingan ka ngayong Peb. 14? Wala
W - what has life taught you recently? Tinuruan ako na sa lahat ng isyu ng buhay na dumarating, mayroon at mayroon na itinuturo iyon. "Flexibility" - isang salita din na natutunan ko.
Y -yan ba ang dahilan kaya nagbalik ang blog mo? Pwede, gusto ko rin kasing maging "cool sa blogging" kuno, haha, joke
Pansin ninyo, A to Y? Tagalog kasi. Ahh challenging kasi mag-transition. Next time, pipilitin ko na talaga. Madami pa akong gustong i-share. Salamat sa pag-dalaw.


2 comments:
tambay lang bro...me and GF always wanted na pumasyal dyan...kulang nga lang sa budget...hehe.
nice entry by the way... :D
ei, salamat.. sige ba punta kayo dito, tapos isama nyo na rin ako sa date nyo para libre sa food, hehe, =)
Post a Comment