February 14, 2008

Witty Valentine's Day SMS

Actually, nai-paskil ko na ito bilang komentaryo sa isang fellow blog. Actually, kaka-paskil ko lang kani-kanina, =)

Isang text message na galing sa isang texter na ewan ko, di ko nga kilala yun, ang aking natanggap. Siguro, nagpaparamdam. Mahirap nga lang kasi madalas gabi lang siya magparamdam. Manananggal siguro.. jowk =)

It goes like this: "Isang teacher nagtanong sa mga studyante nya kung saan dapat ilagay ang third eye kung meron sila...


maraming sumagot, pero iisa ang nagpataob sa lahat...


ang sabi ng boy, 'Ma'am sa puso ko po para di na ko mabulag muli.'"


From CM: Everyone is given a love cake. It depends on whom you share the slices..

February 12, 2008

From English to Tagalog: Sino ba ikaw, CM?

Ohh, I missed this blog. Ah, pasensya na po.. Sige magtatagalog na si CM. Matagal-tagal na rin ako rito sa Cebu and life has really taught me lessons.. Ahh, ano ba iyan, napapa-english na uli, hehehe.. Balang araw, sana matanaw ko na muli ang Maynila. Kung napadaan ka, huwag ka na mag-komento kung di mo "feel" talaga.. Sige ka, haha..

A - ano ang pamatay mong line? Hehe, wala, paumanhin po, everything I say is unique, siguro

B - boyish, girlish, etc.? Syempre, boyish

K - kilabot ka ba? Hindi, hindi naman ako mamamatay-tao. Pero ang iba, yan ang tingin sa akin, ah basta

D - dreams? Ahh, madami ako niyan

E - energetic si CM? Syempre, mahilig ako sa mga pisikal na gawain at hiking

G - girlfriend? Ahh, 3-ex mutual understandings.. boyfriend? short-lived yan before, I haven't considered my past hook-ups as ganyan.. sana, ahh basta..

H - healthy lifestyle? Not smoking

I - ilang unan ang gamit mo? Dalawa

L - love, mahilig ka ba? Hope and love never leaves me kahit anong isyu ng buhay

M - marami ka bang pera sa banko? Mahirap lang po ako, tatlong beses lang kumakain sa isang araw, minsan oo may snacks din

N - naranasan mo na ba ang near death experience? Oo, nung nag hiking kami sa Mt. Makiling, Laguna

O - oats? Gusto ko iyan

P - pogi ka ba? Hindi ako gwapong-gwapo. Sa sarili ko, alam ko gwapo daw ako sabi ng konsensya ko.. Pero depende iyan sa tumitingin, right?

R - race mo? May lahi akong Filipino, Japanese, at konting-konting Arabic at Spanish

S - starbucks? Uyy sana, sa next na punta ko diyan, may kasama akong blogger din, haha, joke

T - toothpaste? Colgate/Sensodyne

U - uy, may kalambingan ka ngayong Peb. 14? Wala

W - what has life taught you recently? Tinuruan ako na sa lahat ng isyu ng buhay na dumarating, mayroon at mayroon na itinuturo iyon. "Flexibility" - isang salita din na natutunan ko.

Y -yan ba ang dahilan kaya nagbalik ang blog mo? Pwede, gusto ko rin kasing maging "cool sa blogging" kuno, haha, joke

Pansin ninyo, A to Y? Tagalog kasi. Ahh challenging kasi mag-transition. Next time, pipilitin ko na talaga. Madami pa akong gustong i-share. Salamat sa pag-dalaw.